Answer:
Pinakasikat sa mga Medici si Lorenzo na kinilala bilang “The Magnificent” na namatay noong 1492. Sa kanya nasalamin ang ideyal na Renaissance. Isang tusong politiko, hawak niya ang Florence sa panahon ng kagipitan. Hinangaan din siya bilgang isang mapagbigay na patron ng sining, kaya’t ang palasyo ng mga Medici ay laging dinadalaw ng mga manunulat at pilosopo. Ang mga estatwa sa hardin ng palasyo ng mga Medici ay nagsilbing huwaran ni Michelangelo.