Panuto: Ibuod ang kuwentong Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao.

Posted on


Panuto: Ibuod ang kuwentong Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao. ​

Answer:

Isinasagawa ng isang tribo ang kanilang ritwal na tinatawag na Cañao o Kanyaw. Ang matandang ito ay isang kuba at hindi makapaglakad nang maayos.

Dahil sa kapansanan ay hindi napansin agad ang matanda. Nalaman lamang nila ang tungkol dito nang mabangga ng isang katutubong nagsasagawa ng ritwal ng pag-aalay ng baboy.

Ginagawa nila ang ritwal dahil nakita nila ang isang uwak na isang masamang pangitain para sa kanila. Sa gitna ng ritwal ay nagwika ang matanda.

Sinabi nito na pinakikinggan ng kanilang bathalang si Kabunian ang kanilang mga dalangin at pag-aalay.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit siya nagtungo sa kanilang tribo. Sinabi nito na mayroong tutubong malaking halaman ngunit ang bunga lamang ang kukunin ng mga katutubo.

Tinakpan ang matanda ng kawa sunod na rin sa utos nito. Maya-maya pa ay naglaho na ang matanda at mayroong gintong puno na tumubo.

Nagkagulo ang lahat at tinangkang kunin ang mga bunga. Ngunit marami din ang nagnais sa iba pang bahagi ng puno na naging dahilan nang pagkabuwag nito.

Naisip nila na ang matandang kuba at may kapansanan ang naging puno. Ngunit dahil sa kasakiman ng mga katutubo ay nagkaroon sila ng mas mabigit na suliranin, nahirapan na silang humanap pa ng mga ginto.

Explanation:

pabrainliest po

Leave a Reply

Your email address will not be published.