Matapos mong sumulat ng isang Bukas na Liham, tanungin ang mga kamag- anak o maging iyong mga kamag-aral tungkol sa iba pang tamang gawi na posibleng maipakita bilang nagdadalaga at nagbibinata. Tiyaking makapagbibigay sila ng paliwanag kung bakit ito kanilang isinama.

Posted on


Matapos mong sumulat ng isang Bukas na Liham, tanungin ang mga kamag- anak o maging iyong mga kamag-aral tungkol sa iba pang tamang gawi na posibleng maipakita bilang nagdadalaga at nagbibinata. Tiyaking makapagbibigay sila ng paliwanag kung bakit ito kanilang isinama.​

Pagtanggap sa mga Hamon

Isang bukas na liham para sa mga manggagawa sa Pilipinas:

Magandang umaga! Ako ay isang mag-aaral na nais kayong bigyan ng isang bukas na liham. Batid ko ang hirap na dinadanas ng bawat isa lalo na ngayong may pandemya – marami ang nawalan ng trabaho, at kaliwa’t-kanan ang mga suliranin na nararanasan sa maraming industriya. Ngunit para sa akin, hindi ito panahon upang mawalan tayo ng pag-asa, sapagkat kaya nating makabangon muli.

Sa sektor ng agrikultura, nariyan ang ilang mga programa ng pamahalaan upang mas lalo nating mapabuti ang ating mga taniman. May libreng irigasyon at libreng seminar para sa mga nais pasukin ang sektor na ito.

Para sa mga nasa industriya at serbisyo, kaagapay nyo rin ang pamahalaan para kayo ay matulungan. Ang tanging kailangan lang nating gawin ay magsalita at makiusap.

Ipagpatuloy lang natin ang paggawa para sa ikauunlad ng bansa.

Lubos na gumagalang,

Isang mag-aaral.

#CarryaOnLearning

Leave a Reply

Your email address will not be published.