Answer:
Sa bawat Muslim ang kanyang pananampalataya ay aktibo sa lahat ng araw at panahon ng kanyang buong buhay habang siyay nabubuhay. Ito ay dahil sa limang haligi ng kanyang pananampalataya, ang tinatawag na Limang Haligi ng Islam, na dapat siyang isakatuparan sa pang-araw-araw, sa bawat taon o minsan man lamang sa kanyang buong buhay.