Answer:
Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France
kasunod ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles na
naghuhudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan.
sa sa mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang
pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil sa
pagbasak ng imperyong Ottoman. Natuklasan ang langis sa Kanlurang
Asya noong 1914, dahilan upang mas maging interesado ang mga
Kanluraning bansa dito at magtatag ng sistemang mandato. Ibinigay sa
bansang France ang mandato para sa Syria at Lebanon, napasakamay
naman ng mga Ingles ang mandato para sa Palestina. Ang mga lokal na
pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit pinamahalaan ng mga
dayuhan ang aspetong pang-ekonomiya. Nanantiling malaya ang ibang
bansa sa Kanlurang Asya ngunit di pa rin nakaligtas sa kontrol ng mga
Kanluraning bansa. Isang halimbawa nito ay ang pamumuno ni Haring
Ibn Saud sa Saudi Arabia, habang lahat ng kompanyang naglilinang ng
langis ay pag-aari naman ng mga dayuhan.
Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles
na kung saan nakasaad dito na ang Palestina ay bubuksan sa mga Jew o
Israelite upang maging kanilang tahanan (homeland ). Ito ang naging .
Sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Rusya at Britanya ay
nagsagawa ng pag- atake sa Ottoman Empire na kung saan ay nakipag-
alyado sa Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinapanigan. Ang
digmaang ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan,
ari-arian, pagpatay ng maraming Iranian at nagdulot ng pagkagutom. Ang
kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran sa pagkakataong ito, ay
nagbigay- daan sa malawakang pag-aalsa at pagkilos na humihingi ng
kalayaan para sa Hilagang Iran noong 1915-1921.
256
dahilan upang magkaroon ng di -pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew
na nagsimulang magsiballik sa Kanlurang Asya mula sa Europa
Pagkatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig ay lumakas
sa bansang India ang kilusang
Nasyonalismo na naging daan
upang magkaisa ang pangkat ng
Hindu at Muslim. Nagkaroon sa
bansang India ng malawakang
demonstrasyon,
boykot
at
di
pagsunod sa mga kautusan ng
Ingles, dahilan upang bigyan ang
bansang India ng autonomiya.
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong
Setyembre1939. Taong 1942 ,isang kasunduan ang pinangunahan ng
Estados Unidos ang Tehran Conferencena nagsasaad na kapwa lilisanin ngRusya at Britanyaang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya.
Mayo 1946 nang sinimulang alisin ng Rusya ang kaniyang mga tropa sa Iran
na hindi naman tuluyang naisakatuparan
bagkus ay nagdulot
pa ito ng
Azerbaijan Crisis .Itinuturing ito na unang di- pagkakaunawaan na dininig ng
Security Council ng United Nations. Ito ang nagbigay- daan sa Cold War na
kinasangkutan ng Estados Unidos at kaniyang mga kaalyado, kontra naman
sa Rusya kasama rin ang kaniyang kaalyadong bansa.