Ang Sirena at si Santiago
Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena,
mga mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang
pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ngsirena, patay man o buhay.
Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na
mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ngtubig upang makarami ng huli kada araw.
Isang hapon, habang siyay nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na
napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang
babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mgamalalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing ng
babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang isda
ang dalagangnasa harap niya.
Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-
daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agaddin namang
sumagwan para mahabol niya ito.
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit
sila sa isat-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang
nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa
nahulog sila sa isat-isa.
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging
magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan
niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upangdoon na manirahan. Noong una,
hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kayat pumayag na
lang siya.
https://www.scribd.com/document/382688961/Ang-Sirena-at-Si-Santiago
MGA ELEMENTO
PATUNAY
Answer:
Story time bato
Explanation:
Diko gets asan yung question jan