Explanation:
Ang kasanayan sa pakikinig ay mahalaga. Nangangailangan ito ng masusing pakikinig at mabisang pagpoproseso sa pag-unawa upang masagot mo ang mga tanong na may tamang impormasyon at detalye. Mahalagang malaman mo ang mga salitang gagamitin sa pagtatanong. Tandaan: 1. Ang salitang Sino ay tumutukoy sa pangalan ng tao. Halimbawa: Sino ang nag-ulat sa klase? Sagot: Ang nag-ulat sa klase ay si Liza. 2. Ang salitang Ano ay tumutukoy sa hayop, bagay o pangyayari. Halimbawa: Ano ang ibinigay ng pribadong indibidwal at grupo? Sagot: Ang kanilang ibinigay ay mga relief goods, 3. Ang salitang Saan ay tumutukoy sa lugar. Halimbawa: Saan nangyari ang malakas na Lindol? Sagot: Sa Davao Del Sur 9 CO_03 Filipino 6_Module 1 4. Ang salitang Kailan ay tumutukoy sa araw, buwan, taon, oras at petsa, Halimbawa: Kailan nangyari ang sakuna? Sagot: Noong ika-16 ng Oktubre, 2019 5. Ang salitang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari. Halimbawa: Bakit maraming bahay at gusali ang nasira? Sagot: Dahil sa malakas na pagyanig 6. Ang salitang Paano ay tumutukoy sa paraan ng ginawa o paggamit. Halimbawa: Paano nagkaroon ng maraming ayuda mga tao sa Davao Del Sur? Sagot: Sa pamamagitan ng pagtulong-tulong ng pamahalaan, pribadong indibidwal o grupo na ipaabot ang pangunahing pangangailangan ng mga tao sa Davao Del Sur.