Answer:
Maraming paraan sa pagpapahayag o paghingi ng pagbabago at ilang taon na rin na ito ang daing ng mga Pilipino. Kung ating iisipin, walang masama o mali sa pamahalaan, ang masama ay nanggagaling lamang sa mga taong ating ibinoto na umupo sa pamahalaan. Ilang taon na rin na ito ang sigaw ng mga mamamayan ngunit ang pagbabago ay hindi lamang nakadepende sa pamahalaan. Makakamit natin ang pagbabago kung tayo ay magiging mas masuri sa mga taong iniluluklok natin sa pamalaan. Huwag tayong magpapadala sa mga pangakong propaganda. Maging aktibo tayo sa mga isyung napapanahon dahil bilang mamamayan makakatulong tayo sa paggawa ng batas na sa tingin natin ay makakatulong sa kapakanan ng lahat ng Pilipino.
Bilang mamamayan mayroon rin tayong karapatan na pakialaman ang pamahalaan. Pag-aralan natin ng mabuti kung paano maging mabuting lider at kung mabigyan man ng pagkakataon, maaari tayong sumali sa politika kung sa tingin natin na ang pagsali natin ay mas makakabuti sa lipunan hindi sa sariling interes.
Explanation: